Tên phim:Hibla 2002 - Greatest of the Philippines
Thể loại:phim tâm lý
Xem online:Hibla 2002 - Greatest of the Philippines
Giới thiệu:Matalik na magkababata sina Isabel (Rica Peralejo) at Clara (Maui Taylor) na kapwa tubong baryo. Ngunit sila ay nagkahiwalay nang ang pamilya ni Clara ay tuluyang lumuwas at nanirahan sa siyudad. Nagpatuloy ang buhay para kay Isabel na nagdalaga sa paghahabi ng tela. Maayos ang kanyang relasyon sa kasintahang si Lando (Antonio Aquintana), liban na lamang sa pagiging sobrang mapusok nito na madalas nilang pag-awayan. Makalipas ang maraming taon, muling nagbalik sa baryo si Clara (dala ang matinding sama ng loob sa kaniyang inang iniwan sila at sumama sa ibang lalaki) at ama nitong si Roman (Ricky Davao). Ikinasayang labis ni Isabel ang pagbabalik ni Clara bagamat marami ng nagbago sa kanilang dalawa. Lingid sa kaalaman ni Clara, ang mga pagbabagong ito at ang pagbabalik ng mag-ama sa baryo ang magiging simula ng pagkakabuhol-buhol ng hibla ng kanilang relasyon. Mahusay ang pagkakahabi ng Hibla bilang isang sining ng pelikula. Tulad sa paghahabi, naging mabusisi at maingat ang direktor sa bawat eksena. Nakakabighani ang sinematograpiya na nagpatingkad sa bulubundukin ng Tanay. Nakakaenganyo ang tunog at musika na magdadala sa manonood sa tamang antas ng emosyon na nais iparamdam ng palabas. Maayos and daloy ng kwento at hindi ito nalihis sa sentro ng istorya. Liban na lamang sa ilang katanungang naghahanap ng kasagutan. Tulad ng ano ang tunay ng naging buhay ni Clara sa siyudad at paanong nahubog ang kanyang mga baluktot na paniniwala sa pag-ibig at pagnanasa? Naging matapat din ang mga pangunahing tauhan sa kanilang pagganap bagama't hindi hinog ang kanilang mga puntong probinsyano. Sa kabuuan ay maituturing na makasining ang Hibla na maaaring magpaangat sa antas ng panlasa ng manonood sa pelikulang Pilipino. Sa kabila ng kahusayan ng pelikula, hindi pa rin maitatanggi na naging pangunahing mensahe nito ang pagtatalop ng dalawang pangunahing tauhang babae. Bagama't mahusay at hindi masagwa ang pagkakakuha, may mga eksena pa rin ng hubaran na halos wala na sa konteksto ng pelikula. Nakababahala ang naging pagtrato ng Hibla sa tema ng pagkamulat sa karnal na pagnanasa. Ngunit kung hinog ang kaisipan ng manonood ay makikitang malinaw ang nais ipahiwatig na aral ng kwento; walang patutunguhan ang labis at taliwas na pagnanasa kundi kaguluhan o kamatayan. Binigyan pa rin ang tao ng kakayahang mag-isip at manimbang kung ano ang tama at mali. Maging gaano man katindi ang tawag ng laman, ang isip at kunsensiya pa rin sa bandang huli ang mamamayani. Maaaring isang manipis na hibla lamang ang naghihiwalay sa pagnanasa at pagmamahal, ngunit hindi nangangahulugang maaari na itong pag-isahin. Gaano man kanipis, ang hibla na ito ay dapat patibayin upang ang tao'y hindi basta mabulagan ng mga maling pananaw at taliwas na paniniwala, at matutunan niyang maging amo ng sariling katawan at hindi alipin nito.
Tag
phim-tam-ly
: Tuesday, September 13, 2011
0 comments:
Post a Comment